Nilinaw ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na wala siyang kinimkim na galit para kay Sen. Vicente “Tito” Sotto III hinggil sa naging banta ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) bago dumalo sa senado noong Lunes, Mayo 11.
MAKI-BALITA: 'Hinarang ako!' Sen. Bato, galit na sumulpot sa Senado
“Hindi ako plastic para magsabi na wala akong sama ng loob because yung ginawa niyang pagtataksil, hindi lang ‘yon pagtataksil sa kaniyang colleague, kung hindi pagtataksil ‘yan sa institusyon ng senado. Siya pa yung pumirma nung resolution namin na dapat dadaan sa legal processes na ni-require ng supreme court, na dadaan sa lower court yung arrest warrant,” ani Dela Rosa.
“Alam naman niya. Pinakitaan siya ng warrant of arrest na galing ICC. Dapat tinanong niya ‘saan dito ang ang local warrant of arrest?’ Siguro di siya sinabihan. Nag-decide talagang gusto niyang mahuli ako sa baba para hindi ako makaakyat dito, para hindi siya ma-unseat. Ewan ko,” dagdag pa ng Senador.
Ibinahagi niyang dahil dito, pakiramdam daw ni Dela Rosa na siyang “tinraydor” ng kapwa senador.
“Di ako makipag-plastikan. I feel betrayed. Nirerespeto ko siya [Sotto] kahit na magkaibang kampo kami, matanda siyang senador sa akin. Sa ginawa niya na ‘yon, malungkot ako pero hindi ako galit sa kaniya. Nalungkot lang ako sa ginawa niya,” paglilinaw ni Dela Rosa.
Hinggil naman sa personal na pagpunta ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa senado dala ang nasabing arrest warrant dahil sa naging paghahamon ni Dela Rosa rito na sumama kung sakaling arestuhin siya, pinababayaan na lamang daw ito ng senador.
“Hayaan mo na siya kung ayan ang gusto niya sa buhay niya na papel. Okay, sige lang,” pagkikibit ni Dela Rosa.