Pumanawang prize-winning author at Holocaust survivor na si Ruth Klueger sa edad na 88 sa kanyang bahay sa California, inihayag ng kanyang Austrian publisher nitong Miyerkules.

Kinumpirma ng Zsolnay publishing house sa AFP na si Klueger ay namatay sa pagitan ng Lunes at Martes dahil sa matagal nang karamdaman.

Si Klueger, na nakatanggap ng maraming mga prestihiyosong parangal para sa kanyang pagsusulat tungkol sa kanyang karanasan sa panahon ng Holocaust, ay kilala rin sa kanyang lantad na paninindigan sa mga kalupitan ng Nazi Germany. “We survivors are not responsible for forgiveness. Iperceived resentment as an appropriate feeling for an injustice that can never be atoned for,” minsan ay sinabi ni Klueger sa Austrian media. Ipinanganak sa Vienna noong 1931, si Klueger ay 10 taong gulang nang ihiwalay siya ng rehimeng Nazi mula sa kanyang ama, isang Jewish gynecologist, at pinatapon siya at ang kanyang ina, isang nars, sa concentration camp ng Theresienstadt.

Nang maglaon ay inilipat sila sa Auschwitz-Birkenau, kung saan si Klueger, na noon ay 12, ay nagsimulang gumawa ng tula. Ang kanyang ama at kapatid na lalaki ay napatay, ngunit ang dalawang kababaihan ay napunta sa concentration camp ng Christianstadt at nagawang makatakas sa tinatawag na death march. Noong 1947, si Klueger at ang kanyang ina ay lumipat sa US, kung saan nag-aral siya ng library sciences at German sa New York at sa University of Berkley, California. Bumaling siya sa pagsusulat tungkol sa kanyang sariling buhay matapos muntikan na siyang mamatay sa isang traffic accident sa Germany.

Teleserye

Lena, evicted na sa 'Bahay ni Righouurr;' mga legal wife, nagbunyi

Ang Still Alive: A Holocaust Girlhood remembered ay kabilang sa kanyang most renowned at critically acclaimed works, na inilarawang “an unforgettable example of humanity” ng Le Monde.

Nang yumao ang kanyang ina noong 2000, isinulat ni Klueger na nakaramdam siya ng “a sense of triumph, because this had been a human death, because she had survived and outlived the evil times and had died in her own good time, almost 100 years after she was born.”

Agence France-Presse