WALANG makakapigil kay Atty. Ferdinand Topacio sa pagsasapelikula ng Mamasapano (formerly titled 26 HOURS: Escape From Mamasapano) sa bagong tatag na Borracho Film Production.

Sa malagim na masaker noong 2015 ay 44 Special Action Forces (SAF) troopers ang namatay sa isang law enforcement operation laban sa mga Muslim rebels. “We shouldn’t let time erase that tragedy from our memory,” pahayag ni Atty. Topacio.

Personal na pinili ni Topacio sina Juan Rodrigo at Rez Cortez to play the key roles in the story. Si Rodrigo ang gaganap bilang DILG Secretary Mar Roxas at si Rez as the former PNP Chief Alan Purisima. Kasama sa cast sina Gerald Santos, ang lone survivor at singer LA Santos bilang batang sundalo. Secondary na lamang sa producer ang physical appearance ng mga aktor dahil gusto niyang mangibabaw ang husay nila sa pagganap.

First time na gaganap si Rodrigo ng a living person at masusing pag-aaralan ang mannerisms ni Mar Roxas. Hopefully the movie will clear many things at magkaroon ng linaw ang lahat.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Mula sa screenplay ni Eric Ramos at direksyon ni Lawrence Fajardo ang Mamasapano ay ilalahok sa MMFF sa December na wala pang katiyakan kung matutuloy.

-REMY UMEREZ