Pinakiliti at pinatawa ng hunk actor na si Ron Angeles ang mga netizen matapos niyang ibahagi sa social media ang mga larawan niya sa harap ng isang establisimyentong may malaking karatulang "DAKS" habang nasa Bangkok, Thailand.
Sa kaniyang Facebook post, makikitang nakatayo si Ron sa harap ng tindahan habang may hawak na cup of ice cream. Nilagyan niya ito ng caption na: "Ang sarap ng ice cream. Pagbigyan nyo na ngaun lang."
Dahil sa pangalan ng tindahan, mabilis na nakakuha ng atensyon ang post ng aktor. Sa Pilipinas kasi, ang salitang "daks" ay isang popular na kolokyal na termino na karaniwang ginagamit upang ilarawan ang isang taong may malaking "notabels" o ari.
Gayunman, ang DAKS na makikita sa larawan ni Ron ay hindi tumutukoy sa naturang slang.
Isa itong kilalang British luxury fashion brand na itinatag pa noong 1894 sa London at may mga sangay sa iba't ibang bansa kabilang ang Thailand. Mayroon itong flagship store at iba pang retail locations sa Bangkok.
Dahil dito, maraming netizen ang natawa sa tila double meaning ng post ng aktor, lalo na't hindi niya nilinaw agad kung brand name ba o ang karaniwang kahulugan ng salitang "daks" sa Pilipinas ang kaniyang tinutukoy.
Samantala, hindi rin maikakailang kilalang pangalan si Ron sa social media dahil sa kaniyang matipunong pangangatawan at sa mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan sa nakaraan.
Isa na rito ang sex scandal na minsang naging usap-usapan online at lalong nagpasikat sa kaniyang pangalan sa showbiz at social media circles, kasama ng iba pang male celebrities.
Maki-Balita: May sindikato! Ron Angeles, nagsampa ng reklamo laban sa mga nagpakalat ng sex video
Kaya naman biro ng mga netizen, "napatunayan" na raw nilang "daks" talaga si Ron at ang iba raw, may souvenir pa nito.
Pero may ilan din namang nagsabing "average" lang, at may nagsabi pa ngang "juts" o maliit lang.
"Oo naman, nakita na namin saging mo.dakss ka talaga, habang buhay yung video mo hehe salamat ahh"
"Di naman. Average lang."
"SUPER DAKS TAYONG TAYO MALAKI PA ULO"
'Hindi ka daks lol"
"Na para bang ikaw Ron Angeles nakaka ilang bisis na ako mapanood ang video mo hahaha"
"bagay naman"
"Ay parang hindi ikaw 'yan haha, saks lang hahaha."
"Parang di naman eyyy"
"Bagay yung title sayo lodi daks ka eh"
Maki-Balita: 'Sanay na akong mahusgahan!' Ron Angeles, 'patakam' sa kabila ng sex video scandal
Nakakaloka talaga ang mga netizen!