March 17, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Sanay na akong mahusgahan!' Ron Angeles, 'patakam' sa kabila ng sex video scandal

'Sanay na akong mahusgahan!' Ron Angeles, 'patakam' sa kabila ng sex video scandal
Photo courtesy: Ron Angeles (FB)

"Nagwala" ang mga netizen sa panibagong social media post ng hunk actor na si Ron Angeles matapos niyang i-reshare ang isang throwback post noong 2021, habang topless siya at tanging boxer shorts lang ang suot niya.

Tanging caption niya sa repost niya, "Sanay na akong mahusgahan."

Wala mang ibang konteksto tungkol sa post niya, ipinagpalagay ng mga netizen na tila may kinalaman ito sa isyu ng pagkalat ng umano'y sex video niya.

Hindi lang si Ron ang may kumakalat na sex video. Tatlo pang aktor, na sina Arron Villaflor, Gil Cuerva, at Nikko Natividad ang may kumakalat na umano'y scandal.

Kaya nga ang tawag sa kanila, "Big Four."Ma

Tsika at Intriga

'Men can be victims also!' Arron Villaflor, naniniwalang may sindikato sa pagpapakalat ng bembang videos

Maki-Balita:  Ibang Big Four pala? Sex scandal umano nina Arron Villaflor, Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad pinagpiyestahan!

Umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang nabanggit na post ni Ron.

"Sending hugs Ron ang mahalaga napatunayan mong mali ang akala nila 5 years ago."

"hnd kita hinusgahan lalo kitang naging idol cmula itaas hanggang iba ba."

"Hahahahha aliw! unbothered sya... pero sana next time mas malinaw at mas malapit lol."

"Among the rest nasayo ang taba na hahanap hanapin ng bawat aruy aruy namin HAHAHAHAHAHA Kaya cheer up, ipagmalaki mo yan! Nandito lang kami pag nalungkot ka."

"Simula ngayon di na kita huhusgahan, nagkamali ako akala ko maliit sobrang haba pala ng pagmamahal ko sayo."

Kamakailan, nag-post naman siya ng larawan niya habang nakababad ang half body sa tubig ng swimming pool.

"Relax lang kayo dyan," mababasa sa caption ng post.

Maki-Balita: 'Relax lang kayo dyan!' post ni Ron Angeles, para ba sa mga nakapanood ng umano'y sex video niya?

Sa kabilang banda, wala pang direktang reaksiyon, tugon, o pahayag si Ron tungkol sa nabanggit na sex video.