July 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Commercial flights sa GenSan Airport, ibabalik na simula Hunyo 15

Commercial flights sa GenSan Airport, ibabalik na simula Hunyo 15
Photo courtesy: DOTr (FB)

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na muling ibabalik ang commercial flights sa General Santos Airport simula Lunes, Hunyo 15, isang linggo matapos ang pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol sa probinsya. 

“Nagsagawa na ang DOTr at CAAP ng kumpletong safety assessment, and we confirmed na pwede nang ituloy bukas ‘yung commercial operations sa GenSan Airport para hindi na maantala ‘yung biyahe ng ating mga pasahero,” saad ni Transportation Sec. Giovanni “Banoy” Lopez sa kanilang pahayag nitong Linggo, Hunyo 14. 

Batay pa sa pahayag, nakipagpulong ang CAAP sa airline operators, airport stakeholders, at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at episyenteng operasyon ng General Santos Airport. 

Sa kasalukuyan, ipinapayo ng DOTr sa mga pasahero na direktang makipag-ugnayan sa kanilang airlines hinggil sa kanilang flight schedules at travel arrangements. 

KAUGNAY NA BALITA: Limitadong airport operations sa General Santos Airport, extended hanggang Hunyo 14

Probinsya

Babaeng nagpuslit ng shabu sa kiffy para sa jowa niya sa piitan, tiklo!