Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na extended ang limitadong airport operations sa General Santos Airport hanggang Linggo, Hunyo 14 kasunod ang pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani at mga karatig probinsya nito kamakailan.
Batay sa anunsyo ng CAAP noong Biyernes, Hunyo 12, ang bagong Notice to Airmen (NOTAM) ay epektibo hanggang 6:00 PM ng Hunyo 14.
Saad pa ng CAAP, tanging government, military, at humanitarian flights lamang ang pahihintulutan sa airport.
Kaya pinapayuhan ang mga pasaherong makipag-ugnayan sa airlines na nangangasiwa sa estado ng kanilang flights.
KAUGNAY NA BALITA: Mga operasyon sa General Santos Airport, suspendido dahil sa lindol–CAAP