Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pansamantalang suspensyon ng mga operasyon ng General Santos Airport kasunod ng pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol at tsunami warning sa Sarangani nitong Lunes, Hunyo 8.
MAKI-BALITA: PHIVOLCS, itinaas sa magnitude 7.8 ang nangyaring lindol sa Sarangani
KAUGNAY NA BALITA: PHIVOLCS, itinaas sa magnitude 7.8 ang nangyaring lindol sa Sarangani
Binanggit pa sa nasabing pahayag ng CAAP na ang “Notice to Airmen” (NOTAM) ay epektibo rin ngayong Lunes simula 8:45 AM hanggang 3:00 PM.
Bukod dito, kasalukuyan nang isinasagawa sa airport ang assessment ng air navigation facilities, equipment, at operational capabilities upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa pagbabalik ng operasyon ng airport.
Sa ngayon, ipinanawagan ng CAAP sa mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa update sa estado ng kanilang flight.
Sa kaugnay na ulat, inanunsyo rin ng Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDESM) ang pansamantalang suspensyon ng mga paglalayag sa Davao Occidental bilang pag-iingat sa epekto ng lindol.
MAKI-BALITA: Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Davao Occidental, pansamantalang suspendido–CGDESM