NA-INTERVIEW via Zoom sina Ted Failon at DJ Chacha para pag-usapan at i-promote ang kanilang radio show sa Radyo5 na Ted Failon & DJ Chacha na magsisimula na sa Lunes, (October 5), six to 10 am. Mapapanood din ang live simulcast sa TV5 at OnePH (available sa Cignal TV channel 1).
Four hours ang radio show at sabi ni Ted, alternative radio show ang kanilang ibibigay sa listeners.
“We have music, 30 minutes news, may interview and analysis ng mga isyu ng bansa. Matagal ko nang naisip ang concept na ito, kaya thank you sa TV5, sa lahat ng Kapatid na tumulong maisakatuparan ang concept na ito.”
Sa tanong kung hindi ba siya mag-a-anchor ng newscast ng TV5?
“Si Luchi, gusto niya akong mag-TV. Sabi ko, kung puwede mag-radio muna ako. Nasa point na ako ng buhay ko na gusto ko I have more time for myself, more time sa mga anak ko at more time sa mga apo ko. Dati, ang mga anak ko, they see me leaving the house. Ngayon, ang mga apo ko, nakikita ko sila, naki-kiss ko, kaya gusto ko munang mag-lie low sa TV, focus muna ako sa radio.”
S a m a n t a l a , hindi naman makapaniwala si DJ Chacha na sa paglipat nila ni Ted sa TV5, malalagay na rin sa title ng show ang kanyang pangalan, kasama ng pangalan ni Ted.
“Noong nagko-conceptualize ng show, gusto ng TV5, name lang ni Sir Ted ang ilagay. Hindi ako makapaniwala na isasama nila ang name ko at si Sir Ted ang nag-insist na isama ang pangalan ko dahil sa show naman sa ABS-CBN, sidekick lang niya ako. Ngayon, kasama na ang pangalan ko. Kinakabahan ako sa expectation niya. Sinabi niya magaling ako, hindi naman,” pahayag ni DJ Chacha.
“Ang AM at FM radio listeners ay paghahaluin natin sa Ted Failon & DJ Chacha show, may dagdag lang na element. Dalawang henerasyon ang magsasama, with music at pagsasamahin natin ang pananaw ng matatanda at nakababata at element ng pagpapaliwanag ng mga importanteng isyu. Sa October 5 na, sa Radyo 5,” pagtatapos ni Ted.
-NITZ MIRALLES