NAG-WORRY ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta, dahil ang last post niya a kanyang socmed ay September 21, 2020 pa. Very active kasi ni Shawie sa social media, kaya nagtataka sila kung bakit tahimik ang actress at wala silang updates na nababasa. Nakarating pala ito kay Sharon kaya muli niyang binuksan ang kanyang socmed accounts.
Caption ni Sharon: “Hope you are all okay. Going offline for a bit. Socmed/mobile phone detox muna. Sorry if I’ve been absent, but I’m okey, I’m just resting, head, body and soul. Sorry if I’m not texting or replying. Love you all and God bless you. Miss you all. Keep safe!”
Pero ilang oras pa lamang ang post ni Sharon, muli siyang nag-post sa kanyang IG. Heartbroken daw siya, na dahil nga sa pagpapahinga muna niya sa socmed, wala nga siyang ibang balitang natatanggap until may nagsabi sa kanya na pumanaw si Remy Ramirez, ang president ng kanyang The Solid Sharon Cuneta Fan Club na natatag noon pang late ‘70s. Si Sharon ang isang artista na mahal at kilala niya talaga ang mga fans niya. Si Remy raw ay una pa niyang nakilala kaysa sa Papa ni KC, bata pa siya noon at hindi niya nalilimutan kung gaano siya kamahal nito at naging loyal sa kanya na hindi siya pinalitan hanggang sa pumanaw ito. “I feel like I just lost another part of my youth. Maraming-maraming salamat sa pagmamahal at loyalty mo sa akin. Mahal na mahal kita.”
-NORA V. CALDERON