May 22, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Paano maliligayahan ang isang owner kasama ang kaniyang pet?

ALAMIN: Paano maliligayahan ang isang owner kasama ang kaniyang pet?
Photo courtesy: Unsplash


Karamihan sa mga taong may alagang hayop, hindi lamang hayop ang turing nila sa mga ito. Kadalasan, sa tagal at tibay ng samahan, nagiging bahagi na rin ang mga ito ng pamilya.

Ngunit sa dami ng ginagawa ng bawat isa—sa eskwelahan, trabaho, negosyo—tila pahinga na lamang ang natitirang oras sa buong araw.

Paano na ang mga alagang hayop?

Tuwing Abril 18, ginugunita ang “Pet Owners Independence Day,” o ang araw kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga furmom, furdad, at pet owners na mamuhay sa paraan kung paano mamuhay ang kanilang alaga.

Ngunit isa sa mga paraan kung paano ito igunita ay ang pagkakaroon ng “quality time” kasama ang alagang hayop.

Mga Pagdiriwang

Tuklasin: Mga kulturang weirdo at kakaiba pero ipinagdiriwang pa rin sa mundo!



Paano naman kaya ang tamang bonding at pagpapaligaya na dapat gawin ng owner at pet?


Ayon sa Pet Press, maraming paraan upang gawing maligaya, masaya, at hndi malilimutan ang bonding ng owner at pet.

Ayon sa nabanggit na source, isa sa mga paraan upang mag-bonding sila ay ang paglalaro—lalo kung isasali sa game time ang paborito nilang laruan.

Maaari ding isagawa ang “snuggling up together,” o kaya naman ay ang simpleng relaxation time ng dalawa.

Kung nais naman ng thrill at extra challenge, may ilang activities din na swak gawin para sa quality time ng dalawa.

Batay sa parehong source, good choice ang hiking trip, trick learning, o kaya naman ay obstacle course na minano-manong gawin sa bakuran.

Base naman sa artikulo ng National Today, maaaring gunitain ang araw na ito sa pagsasagawa ng owner at pet ng isang “grand tour” sa workplace—upang magkaroon ito ng ideya sa kung ano man ang pinagkakaabalahan ng kaniyang owner araw-araw.

Puwede rin daw ang pagbili ng isang “pet-friendly cake” na pagsasaluhan ng dalawa; tanda ng matibay na koneksyon at relasyon.

Ano pa man ang paraan ng paggunita sa araw na ito, ang pinakamahalaga pa rin ay ipakita, iparanas, at iparamdam sa mga alagang hayop na sila ay labis sa pagiging isang alaga—sila ay bahagi ng pamilya.