BORACAY ISLAND – Ikinukonsidera ng Philippine National Police (PNP) na mapayapa ang muling pagbubukas ng Boracay Island nitong Huwebes para sa mga turista matapos ang higit sa anim na buwang travel restrictions bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
“There was no major crime incident recorded,” ayon kay Brig. Gen. Rene Pamuspusan, Western Visayas regional director ng Police Regional Office (PRO-6).
“The situation has been very manageable,” sabi naman ng hepe ng Malay, Aklan Police na si Lt. Col. Jonathan Pablito,
Ang nasabing isla ay saklaw ng nasabing bayan.
Ang naitala aniyang zero crime incidence nitong Oktubre 1 ay dahil na rin sa ilang paghihigpit, kabilang na ang pagbabawal sa operasyon ng mga night club at bar.
Mahigpit din aniya nilang ipinaiiral ang mga ordinansa, kabilang ang minimum health standard ng pagsusuot ng face masks at physical distancing.
-Tara Yap