POSITIBO pa rin ang pananaw sa buhay si Boobay nang makausap natin via Zoom. Kahit sa gitna ng pandemic kapit at laban lang ang komedyante.

120090833_770569206836930_437033080426648311_n

Nagsara man ang Klownz at Zirkoh na pag-aari ni Allan Knang dahil sa pandemya na kung saan regular na nagso-show si Boobay — may nagbukas namang pinto para sa bagong karaketan ang komedyante.

“Infairness naman kay God hindi Niya talaga tayo pinabayaan kasi binigyan Niya tayo ng muling pagkakaabalahan at pagkakakitaan during pandemic at pumasok nga iyong livestreaming sa Kumu at doon ako nagkaroon ng hosting job,” sey niya.

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Alam naman nating lahat na pansamantalang nahinto ang regular TV shows ng celebrities kayanaman puro replay ang napapanood sa TV.

Pero sa ngayon walang pagsidlan ng kasiyahan si Boobay dahil balik new normal taping na sila ni Tekla sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ng GMA-7. Ibinahagi ni Boobay na sa segment ng TBATSna “Feeling the blank” sa mga daring and intriguing questions sa mga artista sinisiguro raw nilang hindi ito kakalat at pawang sila lang daw ang nakakaalam.

Kumusta naman ang long distance relationship ni Boobay sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Kent Juan Resquir na isang physiotherapist sa Australia?

“Siguro noong una mahirap pero naiintindihan namin kung bakit kailangan naming maghiwalay. Kasi may kanya-kanya kaming gustong mangyari sa mga buhay namin. Ako gusto kong ipagpatuloy ang showbiz eh siya ‘di ba gusto rin niyang magtrabaho sa Australia. So, sino ako para pigilan siyang manatili sa Pilipinas. Binigyan na rin siya ng chance makapagtrabaho sa ibang bansa and at the same time dahil doon makakatulong din siya sa family niya. Taun-taon umuuwi naman siya.”

Buti na lang daw nakabalik na ng Australia ang dyowa niya bago nagkaroon ng pandemya.

Dagdag pa ni Boobay sa almost eight years nilang magkarelasyon ng kanyang dyowa hindi raw niya makakalimutan ang malaking naitulong nito nang magka-mild stroke siya noong 2016 dahil mismong boyfriend niya ang nakaalam at nagdala agad-agad sa kanya sa hospital.

Despite sa nangyari kay Boobay hindi raw siya iniwan ng kanyang BF. Kaya naman hanggang ngayon ay todo pasasalamat pa rin si Boobay sa kanyang love of his life. Yun na!

-DANTE A. LAGANA