WALANG sinasayang na oras si Kapuso actress Shaira Diaz, dahil pinagsasabay niya ngayon ang pagtatrabaho sa showbiz at kanyang pag-aaral.

shaira

Sa kanyang Instagram story, ipinakita ni Shaira ang multitasking skilla niya: “Online classes while on the set! Fighting!”

Kasalukuyang kumukuha si Shaira ng course na Bachelor of Science in Marketing Management sa University of Perpetual Help sa kanila sa Las Piñas City.

Tsika at Intriga

Gardo, no to political dynasty; gobyerno, 'wag gawing negosyo, bisyong pagnakawan

“Gusto ko pong ma-maximize ang mga oras ko ngayong quarantine at naging abala rin naman ako noong mga nakaraang buwan sa home improvements at pagdiskubre ng mga bagong hobbies.”

Siguradong may inspirasyon naman si Shaira sa pagiging abala niya, sa boyfriend na si Edgar Allan Guzman, na abala rin naman sa kanyang online selling ng “Adobong Tuyo ni Mommy Sarrie” na natutunan niyang iluto sa kanyang Mommy Sarrie, ngayong may pandemic, na isinasabay din niya sa guestings niya sa mga shows sa GMA Network.

-NORA V. CALDERON