NAMAYAGPAG ang Nine- Year-old Pinoy chess prodigy na si Oshrie Jhames “OJ” Constantino Reyes sa malakas na field para magkampeon sa Frontier Wheel Chess Under 12 Arena online international chess tournament via lichess.org nitong Sabado.
Si Reyes na grade 4 pupil ng EZEE School sa Guagua ,Pampanga ay nakapaglatag ng parehas na iskor kay 11-year-old Ryien Bahita na grade six pupil ng Brgy. Aquino Elementary School sa Canlaon City, Negros Oriental na 60 points subalit namayani ang Dila-Dila, Santa Rita, Pampanga native sa tie break points.
Nakamit ni Reyes ang top prize 30 Singapore dollar (around P1,000) mula kay tournament organizer at Singapore chess teacher Arena Grandmaster Robert Suelo Jr.
“Congrats Kuya Oshrie Jhames Constantino Reyes for dominating Frontier Wheel Chess Under 12 Arena online international chess tournament. This is your latest achievement from strong field. Keep it up. More efforts, more practice and more new lessons to learn.” sabi ni Jubail, Kingdom of Saudi Arabia based Jimmy Reyes, father/coach ni OJ.
Sa panig ni Bahita ay nagbulsa ng 20 Singapore dollar (around P700) sa kanyang effort. Nasa third place si Alex Tan ng Singapore na may 28 points tungo sa 10 Singapore dollar (around P350).