July 18, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga apektado ng lindol sa Mindanao, sumipa na sa higit 1.4 milyon!

Mga apektado ng lindol sa Mindanao, sumipa na sa higit 1.4 milyon!
Photo courtesy: via MB


Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umabot na sa 1,416,721 na mga indibidwal ang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa ilang mga lalawigan sa Mindanao noong Lunes, Hunyo 8.

Batay sa ulat ng Manila Bulletin, ibinahagi ng DSWD nitong Martes, Hunyo 16, na katumbas ito ng 339,135 na pamilya mula sa 527 na barangay sa apat na rehiyon sa Mindanao—Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Anang DSWD, nakapagbigay na ang kanilang departamento ng aabot sa humigit-kumulang ₱193 milyong tulong para sa mga tinamaan ng naturang sakuna.

Base naman sa latest advisory na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, Hunyo 16, pumalo na sa 68 ang kumpirmadong nasawi bunsod ng naganap na lindol.

Samantala, 33 na ang napaulat na nawawala, habang 1,339 naman ang naitalang nasaktan.

Probinsya

Karne ng aso, positibong inihahain sa restaurant sa Benguet!