Inanunsyo ng Ateneo de Manila University (ADMU) na nakatakdang ilipat ang mga labi ni Ateneo Men’s Basketball Team student-athlete, Divine Adili, sa Arlington Memorial Chapels, Araneta Avenue, Quezon City, simula sa Miyerkules, Hunyo 17.
Binanggit ng ADMU sa kanilang pahayag nitong Martes, Hunyo 16, na magbubukas ang public viewing sa libing ni Adili mula 12 ng tanghali hanggang 8 ng gabi araw-araw.
Tuwing 5 naman ng hapon, isang misa ang idaraos para kay Adili.
Ang paglilipat na ito ng mga labi ng student-athlete ay parte ng paghahanda sa repatriation nito sa Nigeria at alinsunod sa kahilingan ng kaniyang naulilang pamilya.