NGAYONG gabi na, Setyembre 28, ang premiere telecast ng new drama anthology ng GMA Network, ang I Can See You, sa first week-long episode nilang Love On The Balcony na pagbibidahan nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Pancho Magno with Denise Barbacena at Shyr Valdez. Sa direksyon ni LA Madridejos.

Dahil love story ang episode nila, natanong ang ilan sa cast kung may nagawa na ba silang kabaliwan dahil sa pag-ibig?

Si Pancho: “wala naman akong crazy na ginawa para sa loved one ko. Siguro, crazy in love lang talaga ako sa kanya.”

Si Jasmine naman, “naglipat ako ng bahay para sa aking mahal.”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

At si Denise: “Not actually something I did but I think the craziest thing you can do is to lose yourself in the process of loving someone.”

Sa “Love On The Balcony,” gaganap si Alden bilang wedding videographer na si Gio. Isang nurse na frontliner si Jasmin as Lea, at best friends nila sina Pancho at Denise. Mother ni Alden si Shyr. May malungkot palang nakaraan si Gio, ano kaya iyon at si Lea ba ang makatutulong sa kanya? Mapapanood na ang “Love On The Balcony” simula ngayong gabi hanggang Biyernes, pagkatapos ng Encantadia sa GMA-7.

-Nora V. Calderon