SUNOD-SUNOD ang mga balita na ipinapakat ng TV5 para sa kanilang mga bagong programa. Bukod sa Fill in the Blanks, Bawal na Game Show at iba pang showing ngayon sa Kapatid network, may mga bigating palabas na dapat ding abangan ng viewers.

aga

Mukhang mauuna ang Lunch Out Loud sa October 19, sunod ang Masked Singer Pilipinas sa October 24, habang ang Sunday show ng TV5 ay sa last Sunday ng October ang pilot show.

Ipinapakita na ngayon ang ilang teaser ng Masked Singer Pilipinas, reality singing-competition na mapapanood simula sa October 24. Bahagi ng programa si Aga Muchlach bilang hurado kasama sina Cristine Reyes, Kim Molina, at Matteo Guidicelli.

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama

Yes, magbabalik na sa telebisyon si Aga at sa TV5. Matatandaang naging Kapatid ang aktor mula noong 2011 hanggang 2014 kung saan siya naging host ng program na Pinoy Explorer at ng game show na Let’s Us Pilipinas.

Noong 2016 naman lumabas si Aga sa Kapamilya network bilang hurado ng Pinoy Boyband Superstar.

Naging visible muli si Aga noong 2019 nang pagbidahan niya ang Philippine adaptation ng Korean movie na Miracle in Cell No. 7, na naging topgrosser sa 45th Metro Manila Film Festival.

Samantala, si Billy Crawford pala ang magsisilbing host ng Philippine franchise ng South Korean reality show na Masked Singer.

-ADOR V. SALUTA