July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

GMA Network, nagsalita sa paratang kay Arnold Clavio sa isyu ng suhol sa media

GMA Network, nagsalita sa paratang kay Arnold Clavio sa isyu ng suhol sa media
Photo courtesy: via MB/Screenshot from Unang Hirit (YT)/Screenshot from Mike Defensor (FB)

Naglabas ng opisyal na pahayag ang GMA Network matapos madawit ang pangalan ni GMA news anchor Arnold Clavio, na umano'y ilang media personnel na nakatatanggap ng buwan-buwang "paper bag" na naglalaman ng pera, mula kay dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co.

Nauna nang pinabulaanan ni Clavio ang bintang at pagpapangalan sa kaniya ng isa sa mga dating bagmen ni Co na pati sa mga taga-media, nakapag-deliver din sila ng pera, partikular sa kaniya.

Sa isinagawang press conference ng dating bodyguards-bagmen ng dating solon, nitong Martes, Hunyo 16, na inorganisa ni dating Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor, bukod sa ilang mga senador ay pinangalanan ng isa sa mga dating bagman si Igan bilang isa sa mga taga-media na nabigyan din ng paper bag na naglalaman ng pera.

"Na-assign po ako sa isang PR na taga-media na si Bernard Peralta. Doon ko po nakita yung mga nabibigyan po ng mga paper bag, na mga anchor na taga-media, kagaya po ni Arnold Clavio," aniya.

Naputol ang sasabihin niya nang maghiyawan at magpalakpakan ang mga taong dumalo sa nabanggit na press conference.

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

"At doon lang po muna, sa affidavit ko na lang po yung ibang kuwan... sampol lang ho 'yon, marami pa ho akong mga nakilala," saad pa ng dating bagman.

Maki-Balita: Pati sa media? Arnold Clavio, inakusahang nakatanggap din ng male-maletang pera!

Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag si Clavio sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post nito ring Martes.

"LIES."

"Nakakatawa."

"Nakakalungkot. Pero lahat ng ito ay haharapin ko ng walang takot. Talk is cheap. Bago ang dada, ebidensya muna. Hindi ako natatakot. Wala akong itinatago."

"Magkita na lang kami sa korte, at doon ulitin nya lahat ng kanyang walang ka kwenta kwentang bintang," saad pa ng mamamahayag.

Maki-Balita: Arnold Clavio, pumalag sa akusasyon laban sa kaniya: 'Bago ang dada, ebidensya muna!'

Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang GMA Network tungkol sa isyu.

"GMA Network has noted the statements made during a press conference earlier today. The Network takes matters involving the integrity of our journalists seriously. The Network will evaluate the matter further. GMA Network remains committed to responsible journalism. We ask the public to refrain from drawing conclusions based on unverified information," anila.