July 18, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Arnold Clavio, pumalag sa akusasyon laban sa kaniya: 'Bago ang dada, ebidensya muna!'

Arnold Clavio, pumalag sa akusasyon laban sa kaniya: 'Bago ang dada, ebidensya muna!'
Photo courtesy: Screenshot from St. Luke's Hospital (YT)/Mike Defensor (FB)

Pinabulaanan ni GMA news anchor Arnold Clavio ang bintang at pagpapangalan sa kaniya ng isa sa mga dating bagmen ni dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co na pati sa mga taga-media, nakapag-deliver din sila ng suhol na pera, partikular sa kaniya.

Sa isinagawang press conference ng dating bodyguards-bagmen ng dating solon, nitong Martes, Hunyo 16, na inorganisa ni dating Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor, bukod sa ilang mga senador ay pinangalanan ng isa sa mga dating bagman si Igan bilang isa sa mga taga-media na nabigyan din ng suhol, na nakasilid sa paper bag. 

"Na-assign po ako sa isang PR na taga-media na si Bernard Peralta. Doon ko po nakita yung mga nabibigyan po ng mga paperbag, na mga anchor na taga-media, kagaya po ni Arnold Clavio," aniya.

Naputol ang sasabihin niya nang maghiyawan at magpalakpakan ang mga taong dumalo sa nabanggit na press conference.

"At doon lang po muna, sa affidavit ko na lang po yung ibang kuwan... sampol lang ho 'yon, marami pa ho akong mga nakilala," saad pa ng dating bagman.

Tsika at Intriga

Ivana, binakbakan sa pagpapamudmod ng cellphones; promotion ng online sugal?

Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag si Clavio sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post nito ring Martes.

"LIES."

"Nakakatawa."

"Nakakalungkot. Pero lahat ng ito ay haharapin ko ng walang takot. Talk is cheap. Bago ang dada, ebidensya muna. Hindi ako natatakot. Wala akong itinatago."

"Magkita na lang kami sa korte, at doon ulitin nya lahat ng kanyang walang ka kwenta kwentang bintang," saad pa ng mamamahayag.

Maki-Balita: Pati sa media? Arnold Clavio, inakusahang nakatanggap din ng male-maletang pera!

Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang GMA Network tungkol sa isyu.

"GMA Network has noted the statements made during a press conference earlier today. The Network takes matters involving the integrity of our journalists seriously. The Network will evaluate the matter further. GMA Network remains committed to responsible journalism. We ask the public to refrain from drawing conclusions based on unverified information," anila.