July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pati sa media? Arnold Clavio, inakusahang nakatanggap din ng 'paper bag' na may pera!

Pati sa media? Arnold Clavio, inakusahang nakatanggap din ng 'paper bag' na may pera!
Photo courtesy: Screenshots from Unang Hirit (GMA)/Mike Defensor (FB)

Tahasang pinangalanan ng isa sa mga dating bagmen ni dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co na pati sa mga taga-media, nakapag-deliver din sila ng suhol na pera, partikular kay GMA news anchor Arnold Clavio.

Sa isinagawang press conference ng dating bodyguards-bagmen ng dating solon, nitong Martes, Hunyo 16, na inorganisa ni dating Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor, bukod sa ilang mga senador ay pinangalanan ng isa sa mga dating bagman si Igan bilang isa sa mga taga-media na nabigyan din ng suhol, na nakasilid sa paper bag. 

Ayon sa paratang, nakakatanggap umano ng paper bag buwan-buwan ang mamamahayag. 

Maki-Balita: Sen. Kiko, kakasuhan mga nandawit sa kaniya sa maleta: 'Ginag*go ninyo ang taumbayan!'

"Na-assign po ako sa isang PR na taga-media na si Bernard Peralta. Doon ko po nakita yung mga nabibigyan po ng mga paperbag, na mga anchor na taga-media, kagaya po ni Arnold Clavio," aniya.

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

Naputol ang sasabihin niya nang maghiyawan at magpalakpakan ang mga taong dumalo sa nabanggit na press conference.

"At doon lang po muna, sa affidavit ko na lang po yung ibang kuwan... sampol lang ho 'yon, marami pa ho akong mga nakilala," saad pa ng dating bagman.

Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag si Clavio sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post nito ring Martes.

"LIES."

"Nakakatawa."

"Nakakalungkot. Pero lahat ng ito ay haharapin ko ng walang takot. Talk is cheap. Bago ang dada, ebidensya muna. Hindi ako natatakot. Wala akong itinatago."

"Magkita na lang kami sa korte, at doon ulitin nya lahat ng kanyang walang ka kwenta kwentang bintang," saad pa ng mamamahayag.

Photo courtesy: Screenshot from Arnold Clavio/IG