July 02, 2026

Home BALITA Politics

Matapos bitawan pagka-SP: Sen. Alan, 'honored' pa rin maging 'PS!'

Matapos bitawan pagka-SP: Sen. Alan, 'honored' pa rin maging 'PS!'
Photo courtesy: File photo

Opisyal nang binakante ni Sen. Alan Peter Cayetano ang posisyon ng Senate President nitong Miyerkules, Hunyo 17, 2026.

Sa isang Facebook post nitong umaga ng Miyerkules, kinumpirma ni Cayetano na nakausap niya si Sen. Joel Villanueva na tila nagbabadiya na kukumpleto sa bilang ng Gatchalian bloc upang masoildo ang 13 senador at tuluyang mailuklok sa pagka-Pangulo ng Senado si Senate President pro Tempore Win Gatchalian.

"After speaking with Sen. Joel Villanueva, it appears our colleagues on the other side will soon have the numbers to elect a new Senate President. I will not stand in the way of that vote," ani Cayetano.

Paliwanag pa niya, "No leadership in a democracy is ever permanent; every office we hold is a loan, never a possession. To whoever this chamber lawfully elects, I extend my congratulations and my cooperation in advance."

Kasunod nito, iginiit naman ni Cayetano matapos ang mahigit isang buwan niyang panunungkulan bilang Senate President ay magpapatuloy naman daw siya bilang isang public servant.

Politics

'Wala pong problema!' Sen. Marcoleta, nakahandang makulong

"It has been the honor of my life to serve as your Senate President...I may leave the position of SP, but I am honored to still be your PS — your Public Servant," saad pa ni Cayetano.

Matatandaang umupo si Cayetano bilang Senate President noong Mayo 11 matapos ang matagumpay nilang kudeta laban sa noo’y liderato ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III. 

Sa bilang na 13-11, nakuha ni Cayetano ang bilang ng majority bloc matapos ang biglaang paglitaw noon sa Senado ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos ang kaniyang ilang buwang pagtatago mula sa banta ng pag-aresto sa kaniya sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).

Habang noong Hunyo 3, ginulat ni Sen. Chiz Escudero ang Senate plenary hall matapos siyang dumalo sa sesyon—ilang araw matapos ang hindi pagsipot ng Senate majority bloc sa kanilang plenary session.

Si Escudero na nauna na noong sumapi sa majority bloc ang siyang kumumpleto bilang ng 12 senador upang magkaroon ng quorum at rumatsada ang sesyon ng Senado.

Bunsod nito, agad na binakante ng Senado ang posisyon ng Senate President Pro Tempore kung saan naihalal si Sen. Win Gatchalian sa naturang posisyon at kalaunan ay idineklara bilang acting Senate President.  

KAUGNAY NA BALITA: Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session