MAIGTING ang mensahe ni Marjorie Barretto kay Jay Sonza na pinost sa Facebook na buntis daw ang anak na si Julia Barretto.
“Yung pagka-iresponsable mo lang, Mr. Sonza, sobra eh. Hindi ka man lang nagtanong sa mga malalapit sa buhay niya. Walang pinanggalingan ‘yung sinasabi po ninyo.
“Ang pagkaka-confirm pa ninyo e baboy ‘yung style. ‘Di n’yo na nirespeto ‘yung pagkababae niya at saka bata.”
Sinamahan ni Marjorie si Julia sa NBI kung saan naghain ng cyber libel complain si Julia laban kay Jay. Ang sabi, deleted na sa Facebook ni Jay ang kanyang post kung saan ibinalitang buntis daw si Julia at kay Gerald Anderson.
Nitz Miralles