July 17, 2026

Home BALITA

DILG, itinaas LGUs sa 'heightened alert' kasabay ang paparating na super typhoon

DILG, itinaas LGUs sa 'heightened alert' kasabay ang paparating na super typhoon
Photo courtesy: DILG Philippines/FB, DOST-PAGASA/FB


Itinaas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Unit (LGU)—partikular na ang mga nasa Hilagang Luzon at hazard-prone areas—sa heightened alert, kasabay ang napipintong pagpasok ng super bagyong Bavi sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa pahayag na inilabas ng DILG nitong Martes, Hulyo 7, ngayon na ang oras upang maghanda ang lahat.

"Now is the time to prepare. We are directing all LGUs to move early, activate their disaster response mechanisms, and ensure that communities in high-risk areas are ready should conditions worsen," saad ng DILG.

Kaugnay nito, matatandaang nakataas na rin sa heightened alert ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa pagpasok ng naturang bagyo sa bansa.

MAKI-BALITA: NDRRMC, naka-heightened alert sa pagpasok ng ST Bavi sa PAR-Balita

Ibinahagi rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handa na rin ang kanilang ahensya na tumugon sa mga posibleng kakailanganin ng mga maaapektuhang indibidwal at pamilya ng darating na bagyo.

MAKI-BALITA: ₱3B halaga ng food packs, non-food items 'strategically prepositioned' sa paparating na super typhoon-Balita

Sa oras na pumasok ang bagyo sa PAR, papangalanan itong "Inday."

Batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang papasok sa PAR ang super bagyo sa gabi ng Martes, Hulyo 7 o umaga ng Miyerkules, Hulyo 8.