July 15, 2026

Home BALITA National

Defense counsel sa NBI senior agent na testigo ng prosecution: 'Are you following a script?'

Defense counsel sa NBI senior agent na testigo ng prosecution: 'Are you following a script?'
Photo courtesy: Screenshot from Senate of the Philippines (FB)/MB File Photo

Bahagyang nagkaroon ng tensyon sa ikalawang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos kwestiyunin ng kampo ng depensa ang testimonya ng isang testigo mula sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sa pagdinig nitong Martes, Hulyo 7, tinanong ni House prosecutor Atty. Virgil Ligutan si NBI Cybercrime Investigation Unit Senior Agent John Mark Calilung kaugnay ng isang screenshot at printout ng pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) tungkol sa military professionalism at national unity.

Sa isang bahagi ng pagdinig, hawak na ng depensa ang printout ng naturang dokumento nang tanungin ni Ligutan si Calilung kung magkapareho ang nilalaman ng screenshot at ng printout.

Sumagot si Calilung na pareho ang dalawang dokumento.

Dito na pumasok si Defense Legal Counsel Atty. Carlo Narvasa at kinuwestiyon kung paano natitiyak ng testigo na magkapareho ang mga ito gayong wala na umano sa kaniyang kamay ang printout.

National

Ridon sa defense sa pagbubukas ng tax records ni VP Sara: 'Kung takot... baka may tinatago!'

"We have the copy of the document. How can he be identifying the document when he does not have that copy? Are you following a script?" ani Narvasa.

Agad namang tumutol si Ligutan sa naging pahayag ng abogado ng depensa at hiniling na alisin ito sa rekord ng paglilitis.

"Oh my goodness, Your Honor please! I move that the statement by the Defense that the witness is following a script be stricken out of record," ani Ligutan.

Iginiit pa ng prosecutor na malinaw na sinuri muna ni Calilung ang dokumento bago ito ibinigay sa panig ng depensa.

"For the record, the witness was perusing the document before he handed that to the Defense," dagdag niya.

Ang naturang palitan ay isa lamang sa mga mainit na eksena sa ikalawang araw ng impeachment trial, kung saan patuloy na inilalahad ng prosecution panel ang mga ebidensyang may kaugnayan sa mga reklamong isinampa laban sa Pangalawang Pangulo, partikular ang umano'y "grave threat" sa buhay nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ipinapanood naman sa paglilitis ang ilang video clips kung saan mapapanood ang mga umano'y pagbabanta ni VP Sara tulad ng pagpapatay sa kanila, at pagnanais niyang pugutan ng ulo ang Pangulo.