Habang abala sa pakikipag-agawan sa Speakership si Speaker Alan Peter Cayetano kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, inihayag ng Kamara na isang miyembro ng kanyang staff ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa panayam, sinabi ni House Secretary General Jose Luis Montales na ang staff ni Cayetano ang ika-80 kaso ng COVID-19 sa Kapulungan.

Ayon kay Montales, ang tauhan ng Speaker ay nagreport pa sa trabaho noong Setyembre 14-18.

Isinailalim sa pagsusuri o testing ang babaing staff ni Cayetano matapos makaramdam ng panghihina ng katawan, sakit ng ulo, sipon at pagkawala ng pang-amoy at panlasa.

Tindig Pilipinas, pinuri tapang ng EJK victims

Sa 80 kaso aniya, nasa 14 ang aktibo ang mga kaso. Sampung kasapi ng Kapulungan ang nagpositibo sa virus, ang pinakahuli ay si Garbiela Party-list Rep. Arlene Brosas.

Dalawang kongresista naman ang namatay, sila ay sina Senior Citizens Party-list Rep. Francisco Datol at Sorsogon Rep. Ditas Ramos.

Bert de Guzman