Hindi ipinagkaila ni Pambansang Bae Alden Richards, na tulad ng ibang celebrities at business owners, malaki rin ang epekto ng COVID-19 sa kanyang restaurant business, kaya nakaka-relate raw siya sa kanyang bagong project sa GMAPublic Affairs, ang documentary special na Lockdown: Food Diaries.

Sa dokyu, susubukan ni Alden ang mga pagkaing pumatok nitong quarantine, ipapakita rin niya ang pagiging maabilidad ng Pinoy upang kumita sa gitna ng pandemya.

“Saludo po kami sa inyo at binibigyan ninyo kami ng inspirasyon na huwag sumuko sa laban ng buhay ngayon,” pahayag ni Alden.

Kasama sa dokyu kung paano hinarap ni Alden ang pandemya bilang isang business owner.

Tsika at Intriga

Braso ng 'cute boy' na naka-white jacket, pinasilip ni Kathryn Bernardo

“Nagkaroon po lamang kami ng certain adjustments and scheduling. Para po kasi sa amin, mas importante ang tao, ‘yung staff namin more than the income ng restaurants namin. Kasi hindi naman po kami kikita kung hindi rin dahil sa mga nagtatrabaho at naghihirap araw-araw.”

Kaya don’t miss, sa Linggo, September 27, ang Lockdown: Food Diaries at kumuha ng tips mula kay Alden, 3:45 PM, after Dear Uge Presents, sa GMA-7.

-Nora V. Calderon