NAKAMIT ni Caloy Yulo ang bronze medal sa 53rd All-Japan Seniors Gymnastics Championship kamakailan sa Gunma, Japan.

Pumangatlo si Yulo sa men’s vault apparatus sa iskor na 14.733 sa likod nina Wataru Kanigawa (14.900) at Kenzi Shirai (14.733).

Nasiguro ni Yulo ang bronze medal matapos pumuwesto sa ika-12 sa all-around event sa kanyang unang kompetisyon mula nang makamit ang gold medal sa 2019 Southeast Asian Games.

Kasalukuyan nasa Japan ang 19-anyos na si Yulo bilang bahagi ng pagsasanay at paghahanda para sa naurong na Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

-Marivic Awitan