Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na dapat nang asahan ng publiko ang mas malungkot at malayo sa nakagawiang pagdiriwang ng Pasko dahil sa banta ng coronavirus disease.

Ikinatwiran ni DTI Secretary Ramon Lopez ang ipinaiiral pa ring health protocols. Kahit luwagan aniya ang quarantine restrictions ay ipatutupad pa rin ang mahigpit na health protocols kaya malabo ang pagbalik sa normal pagsapit ng Disyembre.

Bahagi na aniya ng normal na proseso ang implementasyon ng granular lockdown, maging sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.

Aniya, may kapangyarihan na ang local government units na i-adjust ang dine-in option capacity basta’t mananatili ang minimum health standards.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

-Beth Camia