Maraming naka-miss kay news anchor Paolo Bediones pagkatapos nitong mamahinga sa telebisyon, ilang taon na rin ang nakalipas. Ngunit ngayon, balik sa trabaho si Paolo, this time para maging mentor ng 300 teachers mula Department of Education(DepEd) para turuan ang mga ito na maging teacher broadcaster.
Saya at fulfillment ang nafi-feel ngayon ni Paolo na excited nang makipag-collab sa kanyang mga kasamahan dati sa media industry at DepEd.
Aside from Paolo, makakatuwang din ng DepEd ang mga batikan at multi-awarded broadcast journalists gaya nina Karen Davila, Atom Araullo, Korina Sanchez, Jessica Soho, Luchi Cruz-Valdes, Arnold Clavio, Kim Atienza, Kara David, Sandra Aguinaldo, Abner Mercado, Jacque Manabat, MJ Marfori, na siyang magbabahagi ng kanilang kaalaman sa mga mapapalad na guro na napili ng DepEd.
Lead trainer si Paolo, na kilala rin bilang motivational speaker at si Luchi naman ang senior trainer ng makabuluhang proyektong ito ng DepEd.
Sa panayam ni Paolo sa Cabinet Files, ibinahagi niya ang magiging bahagi nila sa programa.
“One of the modalities of the DepEd in its Distance Learning Program is television, so Undersecretary Alain Pascua came up with DepEd TV where the learners can have an education while watching TV, paliwanag ni Paolo.
“I volunteered to put together an extensive training program for the public school teachers who will be chosen to be Teacher Broadcasters so they can better adapt to their new medium of instruction.
“Together with Luchi Cruz-Valdes, Gin de Mesa of the PCOO, and Marge Natividad, we crafted a training program for on camera and production work involved in DepEdTV.
“Teachers have to learn how to write their own script, shoot, edit, and produce their episodes for television.
“We gathered veteran broadcast journalists from the major networks who also volunteered to serve as mentors, tackling specific aspects of being a broadcaster, such as Jessica Soho, Korina Sanchez, Karen Davila, Arnold Clavio, Kim Atienza, and many more.
“An unprecedented 130 episodes a week will have to be produced to cover the major subjects of all grade levels.”
Siguradong excited na ang mga gurong makakasama ng mga bigating journalist sa bansa at tiyak din ang kanilang matutunang kaalaman mula sa mga ito.
-ADOR V. SALUTA