Ibinahagi ng singer-songwriter na si Moira Dela Torre na nasa mas maayos na yugto na siya ng kaniyang buhay matapos ang pinagdaanang pagsubok kasunod ng hiwalayan nila ng dating asawang si Jason Hernandez.
Sa panayam at ulat ng ABS-CBN News, naging bukas si Moira tungkol sa kaniyang personal journey, at kung paano siya unti-unting nakausad mula sa mga sugat ng nakaraan.
"I'm happy. I feel like everyone is okay. Everyone is better. I think time heals a lot of wounds. Everyone grows. Everyone matures. I think I have a long way to go. I know I've come so far... I just want to live my life," pahayag ni Moira.
Dagdag pa niya, mas nais na niyang pagtuunan ng pansin ang kaniyang sarili, mga hangganan sa buhay, at ang kaniyang musika.
"I just want to know how to say no, set boundaries, and pursue my music while still protecting my little world for myself so that I have something to come home to at any time," aniya.
Matatandaang ikinasal sina Moira at Jason noong Enero 2019 sa isang seremonya sa Tagaytay City. Itinuturing noon ang dalawa bilang isa sa pinakasikat at hinahangaang celebrity couples sa bansa, at talaga namang "couple goals" dahil pareho nilang hilig ang pagkanta at pagkatha nito. Sila pa nga ang umawit ng "Ikaw at Ako" na isa sa mga ginamit na soundtrack ng pelikulang "Hello, Love, Goodbye" nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Gayunman, noong Mayo 2022, inanunsyo ng dalawa ang kanilang paghihiwalay.
Maki-Balita: ‘Hindi nangaliwa si Moira’: Jason, pinabulaanan ang hiwalayan umano nila ng singer
Noong 2025, naging usap-usapan ang pag-flex ni Jason ng bagong karelasyon niya, habang si Moira naman, bagama't inintriga sa ilang showbiz personality, hanggang ngayon ay wala pa ring fine-flex na bagong love life.
Maki-Balita: Jason, binuhat si 'Mystery Girl:' 'Siya ang nagligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti'
Maki-Balita: 'Kamukha rin daw ni Moira!' Jason Hernandez may pa-flex sa kasamang bebot, jowa na ba?