Sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na makapagpabiyahe ng hanggang 22 train sets sa kanilang linya simula nitong Lunes, Setyembre 21, 2020.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, prayoridad ng Department of Transportation (DOTr) na maparami pa ang tumatakbong train sets upang makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa mga pasahero at mas marami pang pasahero ang kanilang maisakay.

Aniya, nagawa ng MRT-3 na makapag-deploy ng 22 train sets bilang resulta ng mas maayos na maintenance ng kanilang mga light rail vehicles (LRVs) at mga bagong riles na inilagay sa kanilang main line.

“The passengers can expect better MRT-3 experience once the massive rehabilitation is finished in July 2021z New rails are being installed as part of the rail rehabilitation project and LRVs are being overhauled which can be added to the mainline,” ani Capati.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

-Mary Ann Santiago