Mananatili pa rin ang pamamahagi ng calamity funds, pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin at moratorium sa pagbabayad ng mga pagkakautang sa financial institutions sa bansa.
Ito ang tiniyak ni Presidential spokesman Harry Roque kasunod nang pagpapalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa declaration of a state of calamity sa bansa dahil na rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Gayunman, inihayag ni Roque na pinalawig lamang ng 60 arawang suspensyon sa pagbabayad ng loan katulad ng nakasaad sa Bayanihan To Recover As One (Bayanihan 2) Act.
“Tuluy-tuloy po ‘yan. Pero lilinawin ko po, doon sa Bayanihan 2, binigyan po tayo 60 days na extension at ito naman po ay dapat bayaran din ‘no. Hindi po ibig sabihin na kakalimutan na po ‘yung mga pagkakautang, binigyan lang po tayo ng breathing space kumbaga. At pupuwedeng bayaran po iyan ng ‘gives’ na wala pong interest,” sabi ni Roque.
Argyll Cyrus B. Geducos