Binalaan ng isang senador ang publiko dahil posibleng manumbalik ang rotational brownouts, lalo na sa kalakhang Luzon, sakaling maubos na ang natural gas na isinu-supply ng Malampaya natural gas field, na ginagamit ng ilang planta mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas.

Ipinaliwanag ni Senador Win Gatchalian, ang Malampaya natural gas field, pangalawang pinakamalaking pinagkukunan ng supply ng natural gas ng Luzon upang gumawa ng kuryente, ay napipintong maubos na pagsapit ng 2024.

Sa kanyang Senate Bill 1819, isinusulong nito ang isang “national energy policy and framework for the development and regulation of the midstream natural gas industry” sa bansa na may layuning humikayat ng mga mamumuhunan sa pribadong sektor para mapalawak pa ang merkado na papabor sa mga ordinaryong mamimili.

Kabilang sa midstream natural gas industry ang transportasyon at pag-iimbak ng natural gas o Liquefied Natural Gas (LNG). Sakop ng industriya ang mga tanker ship na naghahatid ng natural gas sa mga terminal ng LNG o kaya’y mga imbakan nito sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

-Leonel Abasola