Sa pamamagitan ng live streaming habang isinasagawa ang 15th Seoul International Drama Awards sa Seoul, South Korea, last September 15, si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang tinanghal na Asian Star Prize winner para sa serye niya, ang Philippine Adaptation ng K-drama na Descendants of the Sun.
Sa acceptance speech ni Dingdong via live streaming din, inialay niya ang award sa mga Pilipino.
“This award is a tribute to all frontliners in the world – soldiers, healthcare workers, and volunteers. This award is also for my loved ones and all the Filipino people. May we find consolation knowing that our stories are being appeciated especially during these trying times. Again, thank you very much. A snappy salute to you all,” sinabi niya.
Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat, through live streaming, ang lead actress ng serye na si Jennylyn Mercado at si Director Dominic Zapata, dahil sa panalo rin ng DOTS PH as The Most Popular Foreign Drama of the Year 2020. Sayang nga raw na dahil sa pandemyang pinagdaraanan natin ngayon, hindi nila personal na natanggap ang award.
Pang-apat nang taon itong nanalo ang GMA Network ng Asian Star Prize sa prestigious award giving body. Nauna si Gabby Concepcion, sumunod sina Dennis Trillo at Alden Richards, at ngayong taon ay si Dingdong. Congratulations
-NORA V. CALDERON