PINAPURIHAN ng Pru Life UK ang siklistang Pinoy na nakiisa sa isinagawang My Prudential RideLondon – ang virtual edition ng tinaguriang ‘biggest cycling festival’ sa mundo -- kamakailan.

Magkakasama ang mga amateur, recreational at professional cyclists mula sa 70 bansa sa programa na naglalayong palakasin at maiangat ang antas ng sports sa kabila ng kasalukuyang dulot ng COVID- 19 pandemic.

Matapos matigil ang lahat ng sports events sa buong mundo dulot ng mapamuksang COVID- 19, napagdesisyunan ng Prudential RideLondon na ituloy ang programa sa pamamagitan ng online technology. Kabuuang 212,043 kilometro sa loob ng siyam na araw ang binuno ng mga kalahok.

“Despite being thousands of miles apart, cyclists all over the world felt the rush of being part of My Prudential RideLondon. By tapping the power of technology, we were able to unite all participants and further our advocacy of bike-riding as a healthy and sustainable mode of transportation,” pahayag ni Allan Tumbaga, Pru Life UK Senior Vice President and Chief Customer Marketing Officer.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

Inorganisa ng Pru Life UK’s parent company Prudential plc, ang Prudential RideLondon ay sinimulan noong 2013 bilang pagpapatuloy sa tagumpay ng 2012 Olympics hosting sa London

Sa pamamagitan ng My Prudential RideLondon app, nababantayan ang tinatakbo ng mga cyclists sa kalkuladong bilis na Surrey 19-, 46- or 100-mile routes. Ang FreeCycle event ay bukas lamang para sa mga mga siklistang may sariling kagamitin tulad ng wheelchair, push scooter, skateboard ,at roller skates.

Mahigit 11,000 katao ang nakiisa sa programa. Kabilang sa mga Pinoy finishers sina Pru Life UK employees Ryan Benguelo (2019 Surrey 100 finisher) at Nelsi Rabe (2019 Surrey 46 finisher), Ryan Lamayo (2018 Surrey 100 finisher) at marvin Pacis (2017 Surrey 46 finisher).

Nakiisa rin ang mga celebrities tulad nina Guinness World Record holders Cat Dixon at Raz Marsden; England rugby’s World Cup-winning captain Martin Johnson and players Leon Lloyd, and Martin Corry; professional surfboarder and former Love Island contestant Laura Crane; and two-time Winter Olympian Aimee Fuller.

-Annie Abad