Ipinaliwanag ni Sen. Alan Peter Cayetano kung bakit hindi umano natuloy ang panukalang magbigay ng ₱10,000 ayuda sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 dahil tinutulan umano ito ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Sa isang online livestream noong Biyernes, Hulyo 17, 2026, binalikan ng senador ang panukalang ayuda na inihain noong kasagsagan ng pagbangon ng bansa mula sa pandemya.
Aniya, nakalaan na noon ang pondo para sa naturang programa upang matulungan ang mga Pilipinong hindi pa lubos na nakakarekober mula sa epekto ng COVID-19.
"Nagkaroon tayo ng package: yung Bayanihan 1 — ₱10K po yun, two gives of ₱5K. So noong 2021, going into 2022, sabi ko marami pang hindi nakaka-recover, so kaya ng ating budget magbigay. Pero pagkapanalo ni Pres. Marcos, ayaw niya,” paliwanag ng senador.
Lumabas ang pahayag ng senador sa gitna ng usapin tungkol sa mga programa ng pamahalaan para sa cash assistance sa mga nangangailangang sektor, kabilang ang mga apektado ng tumitinding tensyon sa Middle East.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na tugon ang Malacañang kaugnay sa pahayag ni Cayetano.
Maatatandaang ang usapin ng ₱10,000 ayuda ay mainit pa ring ibinabatong isyu laban kay Cayetano dahil umano sa kabiguan niyang maibigay ito matapos niya itong ipangako sa mga Pilipino.
Sa kasalukuyan, nahaharap naman ang senador sa iyu ng umano’y anomalya noong 2019 Southeast Asian Games (SEA Games) na pinaiimbestigahanng National Bureau of Investigation (NBI).