PAGKATAPOS ng halos more than six months, nagkaroon ng virtual chikahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, para sagutin na ang mga tanong tungkol sa dapat ay unang pagtatambal nila ni Kapuso actor Gabby Concepcion sa GMA Network family drama na My First Yaya. Bago nangyari ang COVID-19 pandemic, nakapag-photo shoot na sila ng buong cast para sa serye at naka-schedule na ang pagsisimula ng taping nila. Pero hindi na nga ito natuloy at hindi na matutuloy.

gabby

“Nakipag-usap ako sa GMA Network tungkol sa pagti-taping ngayong may pandemya at ipinaliwanag naman nila sa akin,” nakangiting pahayag ni Marian. “Tulad nga ng ginawa nina Dong sa Descendants of the Sun, lock-in ng ilang araw ang taping. Binigyan pa nila ako ng choice, pwede raw akong four days taping tapos three days akong uuwi. Pero sabi ko mahirap din iyon dahil nakasalalay ang health ng pamilya ko. Hindi pwede hindi ko makita ang mga anak ko dahil nagbi-breast feed pa ako kay Ziggy at inaalalayan ko ang distance learning ni Zia sa school niya.

“Iyon naman ang maganda sa GMA, lagi nila akong naiintindihan kapag may project akong gagawin at hindi matutuloy dahil bigla akong nabuntis, o tulad ngayong sa biglang pagdating ng pandemya, alam na alam na nilang priority ko lagi ang family ko, ang mga anak ko. Kaya hindi na ako tuloy, salamat GMA, dahil alam kong ginawa ninyo ang story ng My First Yaya na tugma talaga sa akin.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

“Kaya after naming mag-usap ng GMA, tinawagan ko na si Kuya Gabby. Sabi ko sa kanya, sorry na hindi na matutuloy ang pagtatambal namin sa “First Yaya” at in-explain ko sa kanya ang mga reasons ko at sagot niya, naiintindihan daw niya ako, mahirap talaga ang panahon natin ngayon at dapat una nating alagaan ay ang ating pamilya. Pero sabi niya, ‘promise na gagawa pa rin tayo ng project dahil hindi tayo natuloy ngayon.’

Nagpasalamat din at nag-sorry si Marian sa mga dapat ay makakasama niya sa cast ng “My First Yaya” at alam daw niyang naiintindihan din siya ng kanyang mga fans kung hindi man siya tumuloy gawin ang proyekto.

-Nora V. Calderon