Hiniling ni Senator Nancy Biinay sa National Economic and Development Authority (NEDA) at sa Philippine Statistics Authority (PSA) na gumawa ng mga pag-aaral at data base para tutukan ang mga nakinabang sa livelhood projects ng gobyerno.

“Hindi lang ‘yung basta makapagbigay. Dapat may study ang bawat ahensya. Dapat rationalized at may significant impact sa beneficiary, at importante rin na malaman kung ano ang economic returns ng mga programang ito,” paliwanag ni Binay.

Reaksyon ito ng senador kasunod nang pagkabahala nito matapos matuklasang walang programa ang pamahalaan para ma-monitor at mabantayan ang mga benepisyaryo at matukoy na rin kung wasto o tama ang kanilang mga paggamit ng pondo.

Aniya, kailangang may rekord ang pamahalan upang matukoy kung naging matagumpay o palpak ang nabanggit na programa.

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

Leonel Abasola