Patuloyna gumagawa ng pangalan sa pag-awit ang FERODINA (dating kilala bilang Music Heroes), a pop rock band. Rapper ESSECA, Jo. e at Mei Tarce.

Ang mga miyembro ng FERODINA ay pawang young and skilled musicians na sina Fender Dimalanta, Brian Feliciano at Joaquin Rodrigo. Naging champion sila sa Music Hero competition ng Eat Bulaga. Muling Nakita Kaang debut single ng rock band. Ang lyrics ay nagpapahiwatig na muling balikan ang isang pag-ibig kahit man lang sa panaginip. Sa Lihim Na Liham naman mula kay Jo. E ay isang love letter ang sinulat pero nawalan ng lakas ng loob na ipadala. Samantala, mula sa Catarman Samar ay lumuwas sa Maynila at nakipagsapalaran si Mei Tarce. Napasama sa mga gigs at nabigyan ng break. Makaka-relate ang lahat sa Tayong Dalawanna tungkol sa paghingi ng second chance. At sa Paborito ng underground hip hop ay binalikan ni Esseca ang masasayang sandali na kapiling ang minamahal.

-REMY UMEREZ

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla