Mukhang si Janine Gutierrez ang nagmana sa mga damit at gowns ng lola niyang si Pilita Corrales dahil may mga litrato siyang suot ang damit ng huli.

Ilang beses na naming nabasa na galing sa wardrobe ng lola niya ang pinupuri ng netizens na kanyang suot. Ibinabalita rin naman ng Kapuso actress na damit, gown, blazer ng lola niya ang kanyang suot.

Sa latest post ni Janine, suot niya ang white sexy long dress ng kanyang lola at sabi pa nga ni Janine, “Mamita’s vintage dress that wouldn’t fit.” Napansin ng isang netizen na malalim ang pagkabukas ng likod ng white dress at may sagot dito si Janine.

“Hahaha no its not supposed to be that low!! The zipper won’t close! Zoom in.” Eh ang slim na nga ni Janine at kung nagkasya kay Pilita ang white dress, ibig sabihin, may maliit at mas sexy si Pilita kesa sa apo niya.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Samantala, going strong ang relasyon nina Janine at Rayver Cruz, kahit hindi sila madalas magkita at magkasama dahil sa COVID-19. Nababawi rin naman agad ang pagka-miss nila sa isa’t isa kapag nagkikita.

Nitz Miralles