Matagalnang walang work si Kapuso actress Yasmien Kurdi kaya natuwa siya nang makabilang siya sa cast ng I Can See You: The Promise, isa sa mini-series na handog ng GMA Drama.

Three days ang lock-in taping nila sa Lake Caliraya, Laguna kaya tatlong araw niyang hindi nakapiling ang kanyang mag-ama, ang husband niyang si Rey Soldevilla at ang anak nilang si Ayesha Zara. May inihanda naman silang sorpresa kay Yasmine pag-uwi niya ng bahay.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Yasmien ang maikling video kasama ang caption na “Grabe naman may pa-surprise pa sila Pangga at Ayesha Zara sa akin pagbalik ko sa bahay from my lock-in taping...may pa-bouquet pa! Para naman akong balikbayan lol! Sobrang sweet naman...nilinis pa talaga nila yung room at inayos kung saan ako mag-self-quarantine for a few days...”

Dagdag pa ni Yasmien, bawal pa rin daw ang physical contact, “Pasensiya na sa inyo, bawal muna kiss, hug at kwentuhan...kaya lumalayo rin ako (kwentuhan na lang tayo sa video call kahit nasa kabilang kwarto lang ako). Konting tiis lang para sure talaga na safe. Salamat talaga! Mahal ko kayo.”

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Sa September 21 na mapanood ang first episode ng I Can See You sa GMA Telebabad. Every week ay ibang episode ang mapapanood.

-Nora V. Calderon