Maipatayoang dream house ang dahilan kaya isinaisantabi ni Kapuso actress Sanya Lopez ang love life niya, na kapag tinatanong siya tungkol dito ay ‘zero’ ang sagot niya. Iyon talaga ang dream niya nang makapasok na siya sa showbiz, sila ng kuya niya, ang hunk actor na si Jak Roberto. Magkasama sila ng kapatid na nakatira lamang sa iisang bahay sa Bulacan.

“Sa isang maliit na apartment lamang sa Valenzuela kami nakatira noon, isang room lang tapos paglabas mo, nandoon na lahat, napakaliit, halos kasya lamang ang mga gamit namin,” kuwento ni Sanya sa interview sa kanya ng 24 Oras.

“Biggest sacrifice siguro hindi ko naging priority ang love life. Pero feeling ko malaking factor talaga yung love life pagdating sa pag-iipon for me, kasi siguro kung siningit ko ‘yun, hindi ako masyadong focus.”

Ipinagpasalamat din ni Sanya na nagkasunud-sunod noon ang mga projects niya, isa na rito ang Encantadia na tumagal ng isang taong napanood sa GMA Network.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Nasundan agad ito ng iba pang drama series kaya naman nakaipon siya talaga nang ipinagpatayo ng three-floors dream house niya.

Mapapanood si Sanya sa rerun ng Encantadia gabi-gabi, at ngayong umaga ay kasama si Thea Tolentino sa morning show na Mars Pa More hosted by Camille Prats at Iya Villania sa GMA-7.

-NORA V. CALDERON