NAKATANGGAP na kami ng updates ang photos ng ongoing taping ng Pinoy adapatation ng K-drama na Descendants of the Sun ng GMA Network. Ang ganda ng kanilang location sa Tanay, Rizal at sa loob ng limang araw na nilang pagti-taping, nabigyan sila ng magandang weather, ala-Tagaytay weather nga raw dahil malamig sa lugar, bagay raw sa social standing. Everyone was happy to be back kaya enjoy silang magtrabaho.

Kapansin-pansin ang pagsunod nila sa health protocols, lahat nakasuot ng face mask at face shield. Tinatanggal lamang nila ang face shield kapag magti-take na sila, since ang timeline naman ng story ay wala pang COVID-19, pero ang medical team, headed by Dr. Maxine dela Cruz (Jennylyn Mercado) sa story, wears the medical facial mask.

Natapos na nilang i-shoot ang finale scene, dahil kailangan nang lumabas nina Jasmine Curtis-Smith at Pancho Magno, para maghanda naman sa taping ng bagong mini-series sa GMA Public Affairs, ang I Can See You: Love On the Balcony, with Alden Richards.

Sunday evening, during the taping, naka-experience sila ng thunderstorm at kailangan nilang huminto ng shoot dahil pumapasok daw sa audio ang sound ng thunder. First time daw nilang naka-experience ng ganoon sa set. Hopefully, maging maayos na ang weather sa last two taping days nila ng Tuesday and Wednesday

Chesca pinagbabakasyon muna ng netizens: 'Kami na bahala kay Doug!'