Ginugunita ngayong Miyerkules, Hunyo 24, ang “Saint John the Baptist Day.”
Batay sa mga tala, kinikilala ang naging papel ni John the Baptist dahil siya ang tinaguriang “forerunner” ni Hesukristo.
Inaalala siya sa pagpapahayag ng mga pag-aaral ukol sa pagsisisi, pagbibinyag kay Hesukristo sa Jordan River na siyang tagapagligtas, at ang pagsisimula ng Kristiyanismo.
Pero sino nga ba si John the Baptist?
Batay sa tala ng Encyclopedia Britannica, si John the Baptist ay ipinanganak noong unang dekada ng BCE sa Judea, Palestine; at sumakabilang-buhay noong 28 hanggang 36 CE.
Si John the Baptist ay isang Jewish prophet na nagtuturo ng nalalapit na “God’s Final Judgment,” kasama na rin ang aral ng pagsisisi.
Siya rin ang tinaguriang forerunner ni Hesus ng Christian Church, sapagkat siya ang nag-baptize sa pinaniniwalaang nagligtas ng sangkatauhan.
Iba pang impormasyon patungkol kay John the Baptist
Ayon naman sa tala ng Basilica of the National Shrine of the Immaculate Conception, may ilan pang mahalagang impormasyon tungkol kay John the Baptist gaya ng pagtukoy ni Isaiah sa pagdating ni John the Baptist bilang precedent ng Messiah; direktang kaugnayan nito at kay Hesus; at ang pamumuhay nito sa ‘Judean wilderness.’
Base sa paniniwala ng mga Kristiyano, malaki ang naging ambag ni John the Baptist upang maihanda si Hesus sa layunin nitong maging sugo at tagapagligtas ng daigdig—kung kaya’t isa siya sa mga pinakatanyag na personalidad sa Bibliya at Kristiyanismo.