July 23, 2026

Home BALITA National

Cayetano, Padilla, Aplasca may 15 araw para sagutin reklamo ni Kiko Dee!—Ombudsman

<b>Cayetano, Padilla, Aplasca may 15 araw para sagutin reklamo ni Kiko Dee!—Ombudsman</b>
Photo courtesy: MB File Photo

Binigyan ng Office of the Ombudsman ng kabuuang 15 na bilang ng mga araw sina Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Robin Padilla, at dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca upang magsumite ng counter affidavit sa inihaing kaso ng grupo ni Tindig Pilipinas co-convenor Kiko Dee. 

Matatandaang Hunyo 3, 2026, nang direktang nagtungo sina Dee at iba pang miyembro ng koalisyong Tindig Pilipinas sa tanggapan ng Ombudsman upang sampahan ng kaso sina Cayetano, Padilla, at Aplasca kaugnay sa naging matagumpay na pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagtugis ng mga awtoridad noong madaling-araw ng Mayo 14, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, 2:30 ng madaling-araw nakaeskapo sa Senado!—PNP

Bilang tugon naman ni Cayetano sa pagsasampa ng kaso ng organisyasyon ni Dee, matatandaang pinatutsadahan niya ang angkang “Aquino” ni Dee noong Miyerkules, Hunyo 24, at idiniin ng senador na huwag daw tumanggap ng utos mula sa administrasyon si Dee dahil hindi naman daw ito maka-Marcos. 

“Just remember who you are, Kiko. Aquino ka, e. Hindi ka Kiko Dee-Marcos. Don’t get instructions from the administration,” buwelta ni Cayetano. 

National

'Kiyapo,' lalakas bilang tropical storm; signal no. 1, nakataas na!

Sa inilabas naman na utos ng Ombudsman nitong Huwebes, Hunyo 25, binigyan nila ng kabuuang 15 na araw sina Cayetano, Padilla, at Aplasca upang sumagot sa isinumiteng kasong obstruction of justice nina Dee laban sa kanila. 

Samantala, may limang araw naman ang kampo nina Cayetano, Padilla, at Aplasca para magsumite sa Ombudsman ng proof of service sa paghahanda nila ng counter-affidavit at ebidensya bilang sagot sa reklamo nina Dee. 

“Respondents are likewise required to submit proof of service of their counter-affidavit/s and controverting evidence to the complainants, who may file a reply-affidavit within a non-extendible period of FIVE (5) DAYS from receipt of the same, with proof of service to the respondents,” anang Ombudsman. 

Diin ng Ombudsman, hindi na raw sila tatanggap ng anomang dokumento o pleadings kapag natapos na ang ibinigay nilang bilang ng mga araw kina Cayetano, Padilla, at Aplasca upang makapagsumite ng kanilang counter affidavit. 

“No motion for extension of time, motion to dismiss, motion for bill of particulars, or any other dilatory motions and pleadings shall be entertained,” dagdag pa nila. 

Samantala, habang sinusulat ito, hindi pa naman naglalabas ng tugon, reaksyon, o pahayag sina Cayetano, Padilla, at Aplasca kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Puro pang-iintriga!' Usec. Castro, dinepensahan si Kiko Dee kay Sen. Cayetano