Umakyat na sa kabuuang 164,368 overseas Filipino workers (OFWs) ang napauwi na sa bansa, ayon sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) kamakalawa.

Sinabi ng DFA, nasa kabuuang 42,583 OFWs ang nakauwi sa Pilipinas nitong Agosto sa tuluy-tuloy na repatriation efforts ng kagawaran sa kabila na ipinatutupad ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa loob ng kalahati ng naturang buwan.

Nasa 76.1% o 32,389 OFWs na umuwi sa bansa noong Agosto ay mula sa Middle East habang ang ilan naman buhat sa Asia and the Pacific (10.4% o 4,423 OFWs), Americas (9.6% o 4,109), Europe (3.7% o 1,571 OFWs), at Africa (0.2% o 91 OFWs).

Siyam na chartered flights ang nakuha ng DFA sa ilalim ng Assistance-to-Nationals Fund noong Agosto kung saan napauwi ang distressed Pinoy galing sa Malaysia, Qatar, UAE, Saudi Arabia, at Lebanon.

Eleksyon

Darren Espanto, higit anim na oras bumiyahe makaboto lang

Ang DFA sa pamamagitan ng kanyang Embahada ng Pilipinas sa Tehran at sa koordinasyon sa partner government agencies, matagumpay na nakauwi ang mga stranded OFWs sa Uzbekistan noong Agosto sa kabila ng kawalan ng ating embahada at konsulado sa naturang bansa.

-Bella Gamotea