HINDI ikinakaila ng pop rock band December Avenue ang pagiging big fan ng Rivermaya. Malaking influence ang kathang awitin ng lead singer na si Rico Blanco sa kanilang musika.
Ang Umaaraw, Umuulan ang itinuturing nilang the best work ni Rico na bibigyan nila ng bersyon para sa proyektong the Rico Blanco Songbook mula sa Viva Records.
“Gusto namin ang nilalaman ng awit na ang buhay ng tao ay puno ng hamon at pagsubok. Ang mahalaga ay wag patatalo at harapin gaano man kahirap. Ito ang aral ng kanta at nagpapasalamat kami sa Viva at amin ibinigay ang project. Tribute namin ito sa aming idolo na isa sa pinaka mahusay ng songwriter, singer at Pilipino performer. Nagsilaki kami sa pakikinig ng kanyang musika,” wika ni Zel Bautista- lead singer ng banda.
Ngayong September, available na sa streaming platforms ang Rico Blanco Songbook. Ang December Avenue ay naging the most streamed band ng 2019.
-Remy Umerez