LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Isang panalo nalamang ang kailangan ni Jimmy Butler at ng Miami Heat para makausad sa Eastern Conference finals.

Nakaumang naman sa NBA’s best regular-season team Milwaukee Bucks ang posibilidad na mawalis sa playoff series.

Hataw si Butler sa naiskor na 30 puntos para sandigan ang Miami sa dominanteng 115-100 panalo kontra sa Milwaukee nitong Biyernes (Sanado sa Manila) para sa 3-0 bentahe ng kanilang Eastern Conference best-of-seven semifinal series.

“We’ve been proving people wrong all year,” pahayag ni Miami center Bam Adebayo, kumana ng 20 puntos, at 16 rebounds.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Nalimitahan si Milwaukee star Giannis Antetokounmpo sa 21 puntos, at 16 rebounds.

ROCKETS 112, LAKERS 97

Sinopresa ng Houston Rockets, sa pangunguna ni James Harden na kumana ng 36 puntos, ang top seeded Los Angeles Lakers sa Game One ng kanilang Western Conference best-of-seven semifinals series.

Nag-ambag si Russell Westbrook ng 24 puntos, siyam na rebounds at anim na assists, habang kumana si Eric Gordon ng 23 puntos para sa No.4 seed Rockets na nanganialngan ng Game 7 para malusutan ang Oklahoma City Thudenr sa first round playoff.